Kathryn Bernardo may paglilinaw sa kaniyang ‘lumiit’ na ilong

Nagsalita na si Kathryn Bernardo tungkol sa mga haka-haka na nagpagawa siya ng ilong. Retrato mula sa Instagram account ni Kathryn Bernardo

MAYNILA — Nagsalita na si Kathryn Bernardo tungkol sa mga haka-haka na nagpagawa siya ng ilong.

Sa isang vlog ng celebrity cosmetic surgeon na si Aivee Teo, itinanggi ni Bernardo na may ipinaretoke siya sa kaniyang mukha.

“It’s a common question ah! They would [say] ‘Parang Kath had her nose done kasi parang her nose is not the same.’ But I would always say no,” ani Teo.

Sinegundahan naman ito ni Bernardo, na sinabing na-enhance lang ang kaniyang facial features matapos pumayat.

“Si Doc Aivee, hindi ka naman niya pipilitin to do something if you’re not comfortable with it. I am happy with my nose. Siguro lang when I got thinner and medyo tumanda, kaya siya lumiit… But I swear, si Doc Aivee walang ginawa sa nose ko or any doctors before Doc Aivee, just to be clear,” anang aktres.

Nilinaw naman ng aktres na walang masama sa pagpapa-enhance pero iginiit niya na “all natural” ang kaniyang ganda.

“But if you want to have surgery, wala din namang problem doon… But for me, no I did not have anything done. It’s all natural,” giit niya.

—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com

Check Also

Jericho Rosales turns unfortunate incident into comic one

MANILA, Philippines — Kapamilya actor Jericho Rosales turned an unfortunate situation into a comic one …

error: Content is protected !!