Koreano arestado sa droga sa Angeles City

ANGELES CITY- Arestado ang isang Koreano matapos ang isinagawang operasyon ng Angeles City Police Office (ACPO) sa lungsod, Martes ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGEN Valeriano De Leon ang suspek na si Gwon Kihun, kasalukuyang nakatira sa Kandi Towers, Brgy. Malabanias, Angeles City.

Idinagdag ni De Leon na naaresto si Gwon sa Visitacion st., Brgy. Pampang, Angeles City ng pinagsanib na pwersa ng Police Station 2-Angeles City Police Office, City Intelligence Unit, ACPO at Criminal Investigation and Detection Group Field Unit-Angeles City.

Nakumpiska mula sa Koreano ang tatlong sachet ng shabu na tumitimbang ng 2.3 gramo at nagkakahalaa ng P15,640, isang cellphone at puting Nissan Terra.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

DPWH opens Kalayaan Bridge on Independence Day

(Photo courtesy of DPWH) MANILA – National and local government officials headed by Public Works …

error: Content is protected !!