Kuya Bong hinimok mas pinaigting na fire prevention program

Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang publiko na paigtingin ang kaalaman para maiwasan ang sunog na nakapipinsala di lamang ng buhay kundi kabuhayan.

Ito ang naging pahayag ng senador matapos bigyan ng tulong ang may 39 pamilya na nasunugan sa Caloocan City noong Pebrero 28.

“Sa mga kababayan ko sa Caloocan, alam kong mahirap ang sitwasyon natin ngayon. Nasunugan tayo at mayroon pang pandemya. Ganon pa man, konting tiis lang at magtulungan tayo. Malalampasan rin natin ang mga krisis na ating hinaharap” pahayag ng senador nang makausap ang mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng video call.

“Ang pera naman kikitain natin subalit ang perang kikitain ay hindi mabibili ang buhay. Kaya pangalangaan natin ang ating buhay at kalusugan, lalong-lalo na panahong ito,” dagdag pa nito.

Bukod sa pinansiyan na tulong, nagbigay rin ang team ng senador ng mga pagkain, mga gamit para makaiwas sa coronavirus gaya ng vitamins, mask at face shield.

Ilang piling residente ang nabigyan din ng sapatos at bisekleta para magamit sa pagpasok sa trabaho. Habang may ilang estudyante naman ang nabiyayaan ng tablet at computer para sa kanilang pag-aaral.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Groups hail ‘strong’ moves for climate action at UN general assembly

Headlines Groups hail ‘strong’ moves for climate action at UN general assembly MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!