Maginhawa community pantry, tuluy-tuloy sa paglago

Maginhawa community pantry

Mas marami na ang mapagsisilbihan ng Maginhawa community pantry sa paglipat nito sa mas malawak na lugar simula ngayong Sabado, Abril 24.

Lumipat na sa 108 Maginhawa Street sa Teacher’s Village East Barangay Hall ang Maginhawa community pantry ni Ana Patricia “Patreng” Non.

Matatandaang ang kauna-unahang community pantry sa bansa ay nagsimula lamang sa isang maliit na mesang kawayan, kung saan nakapatong ang ilang food items na libreng ipinamamahagi sa mga nangangailangan.

Kalaunan, nadagdagan na ito ng maliit na kariton na ipinahiram ng isang volunteer upang mas marami pang mailagay na food items sa pantry.

Sa Facebook post ni Non ngayong Sabado, sinabi niyang ang pinaglipatan sa bagong pantry ay may layong 300 metro mula sa orihinal na pantry stand sa Maginhawa.

Sa bagong lugar, may siyam na iba pang community pantry at may ambulansiyang nakaantabay para sa anumang hindi inaasahang pangyayari.

Ang Maginhawa community pantry ay bukas sa mga nangangailangan simula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng madaling araw.

Para naman sa mga gustong mag-abot ng tulong o mag-contribute sa pantry, bukas ito simula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi araw-araw.

Sa kabila ng umano’y red tagging laban sa community pantry ni Non, patuloy itong lumalaki kaya mas marami pa ngayon ang natutulungan nito. (Angelica Carrido, intern)

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally

Headlines Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally MANILA, Philippines — Quezon …

error: Content is protected !!