Michael Pacquiao, may bagong rap song

Michael Pacquiao singing

Muling ibinida ni Michael Pacquiao ang kanyang husay sa pagra-rap sa pagpe-perform ng pinakabago niyang kanta na “Run It Back” sa Unang Hirit ngayong Huwebes, Abril 22.

Malayo man sa landas ng boxing na tinahak ng kanyang amang si Senator Manny Pacquiao at nakatatandang kapatid na si Jimuel, patuloy na gumagawa ng ingay si Michael sa larangan ng musika.

Matatandaang nauna nang sumikat ang kanta niyang “Pac-man”, na collaboration niya kay Michael Bars, at tribute para sa kanyang ama na isa sa world’s greatest boxers of all time.

Dalawang buwan matapos ang release ng “Pac-Man”, inilabas naman ni Michael ang isinulat niyang kanta na “Hate” tungkol sa mga haters.

Nag-viral ang video ng live na pag-awit ni Michael ng “Hate” sa Wish 107.5 Bus noong Agosto 2020. At press time, umabot na sa 15 million ang views nito.

Ang “Hate” ay nakapaloob sa debut album ni Michael na Dreams, na ini-release noong nakaraang taon din.

Bagamat umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa kapwa niya YouTube stars at netizens ang “Hate” ni Michael, ‘tila hindi ito naging hadlang sa teen rapper para ipagpatuloy ang kanyang rap music career. (Michael Angelo Gabriel, intern)

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally

Headlines Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally MANILA, Philippines — Quezon …

error: Content is protected !!