Nagmomotorsiklo patay matapos bumangga sa poste sa Ilocos Sur

Patay ang isang nagmomotorsiklo matapos na bumangga sa poste sa Barangay Tamag, Vigan, Ilocos Sur, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Wilson Arizala Rabena, 64, ng Barangay Manangat, Caoayan, Ilocos Sur.

Ayon sa Vigant Police, minamaneho ni Rabena ang kanyang motorsiklo patungong norte nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa poste alas-9:45 Lunes ng gabi.

Dead on arrival si Rabena dahil sa pinsalang tinamo sa kanyang ulo. Isinugod siya sa ospital ng Vigan City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC).

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

DPWH opens Kalayaan Bridge on Independence Day

(Photo courtesy of DPWH) MANILA – National and local government officials headed by Public Works …

error: Content is protected !!