Nagtago sa pangre-rape sa batang kapatid, huli

Matapos ang pitong taong pagtatago sa batas, naaresto na nitong Sabado, Mayo 8, ang isang lalaking taga-Zambales na suspek sa panghahalay sa sarili niyang kapatid na babae matapos matunton sa kanyang pinagtataguan sa Plaridel, Bulacan.

Sa ulat ni Bulacan Police Provincial Office Director P/Col. Lawrence Cajipe, pasado 2:00 ng hapon nang maaresto ang binatang suspek na nasa hustong gulang at tubong Iba, Zambales.

Hindi pinangalanan ang suspek upang protektahan ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nabatid na pitong taong nagtago sa batas ang suspek matapos umano nitong gahasain ang sariling kapatid na babae noong Hulyo 21, 2013. Labindalawang taong gulang lang noon ang biktima.

Sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na inilabas ni Judge Josefina Farrales ng Regional Trial Court (RTC) Branch 69 sa Zambales ay tuluyan nang napasakamay ng pulisya ang suspek sa pinagtataguan nito sa Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan.

Ibabalik ang suspek sa Zambales para roon panagutan ang krimeng ginawa niya umano sa sariling kapatid.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally

Headlines Belmonte refutes Defensor claim: City offered venue for planned rally MANILA, Philippines — Quezon …

error: Content is protected !!