Netizens samu’t sari ang reaksyon sa trending scenes sa ‘Probinsyano’

Umani ng iba't ibang reaksyon ang ilang eksena sa
Umani ng iba't ibang reaksyon ang ilang eksena sa "Ang Probinsyano." ABS-CBN

Patuloy na pinag-uusapan sa social media ang mga trending scene sa primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan ang iba ay hindi maiwasang madala sa mga eksena ng palabas.

Kagaya ng reaksyon ni Lia Mante (Jane de Leon), hindi rin nagustuhan ng maraming manonood ang mga naging aksyon ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa mga nakaraang episode ng “Probinsyano” lalo na sa pagsugod nito sa headquarters ng Black Ops.

Sa kabila ng kasunduan nila ni Lia na huwag gagalawin ang Black Ops, itinuloy pa rin Cardo ang planong paghihiganti sa pagkamatay ng asawang si Alyana (Yassi Pressman) na ikinamatay at ikinasugat ng ilang miyembro ng grupo nina Mante.

“Grabe, Cardo. Mali ang ginawa mo,” saad ng isang manonood.

Anila, hindi dapat nagpapadala si Cardo sa kaniyang galit dahil marami ang maaaring madamay tulad na lamang ng mga kasamahan nito sa Task Force Agila.

Dagdag pa ng ibang netizens, hindi dapat karahasan at paghihiganti ang nangingibabaw sa puso ng pangunahing karakter.

“Sa batas ng tao at sa mata ng Diyos sila mananagot,” hirit pa ng isang manonood.

Sang-ayon ang mga ito sa galit na naramdaman ni Lia nang bumalik sa kanilang bahay at komprontahin si Cardo sa kaniyang ginawang paglusob.

“Sige Lia, iparamdam mo na mali si Cardo,” saad ng isa pang viewer.

Ayon sa ilang nanonood, hindi na inisip ni Cardo ang mga itinulong sa kanila ng pamilya ni Lia bago ito nagdesisyong sumugod sa Black Ops.

“Napaka-selfish mo Cardo,” pahabol pa ng isa.

Humanga naman sila sa husay ng pag-arte ni De Leon sa nasabing eksena at sinabing ganoong klaseng babae ang nais nilang makita bilang “Darna” — palaban.

Awa naman ang naramdaman ng mga manonood sa pagdukot at pagputol sa kamay ni Audrey (Aya Fernandez) ni Señor Vera (Simon Ibarra) bilang paghihiganti rin sa ginawa ng ama ng doktora na si Fernando (Christian Vasquez).

Tinawag ng mga netizen na duwag si Vera dahil idinadamay nito ang mga anak ng kaaway.

“Kawawa naman siya. Bakit pati siya nadadamay?” sambit ng manonood.

Abangan ang susunod na episode ng “Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, TV5, CineMo, iWant TFC, TFC, WeTV, at iflix.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : news.abs-cbn.com/

Check Also

Jonathan Bocaling’s app for ‘Bbm-Sara Uniteam’ paid off

The historical and grand official launch of Jonathan “Atan” Bocaling's novel and trailblazing invention of …