‘No more pain, Ate’: Dionne Monsanto ipinagluluksa ang pagkamatay ng kapatid

Galing mula sa Instagram ni Dionne Monsanto

Matapos ang naging simpleng kasal noong nakaraang buwan, ipinagluluksa ng dating aktres na si Dionne Monsanto ang pagkamatay ng kaniyang kapatid.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi nito na pumanaw ang kaniyang ate na si Binky dahil sa kidney failure sa edad na 47.

“My sister Binky passed on yesterday. She was diabetic, and passed on due to kidney failure,” ani Monsanto sa caption.

Bagamat madalas mag-away noong mga bata pa, ito rin naman ang pumuprotekta sa kaniya kapag may nanakit o nakagawa ng masama sa kaniya.

“She & I bickered so much, like all siblings do, but she defended & protected me if someone ever did me wrong,” saad ng aktres na inanunsyo kamakailan ang pagreretiro sa showbiz.

“She was kind, yet fierce. Now, no more pain, Ate. Now, only peace.”

Nito lamang Marso, nakipag-isang dibdib si Monsanto sa kaniyang asawa na si Ryan Stalder sa Switzerland.

Naging simple ang kanilang kasal na kinatampukan ng kaniyang budget-friendly na wedding dress na umabot lamang sa P300.

Sinabi rin nito sa “Magandang Buhay” noong Pebrero na titigil na siya sa pag-aartista dahil lilipat na ito sa Switzerland kasama ng kaniyang asawa.

"I want to say thank you so much. This is my last guesting 'cause I'm retiring. I am already retired. 'Hello, Stranger' is actually my last project and this is my last guesting. So, thank you so much 'Magandang Buhay,'" pag-amin ni Monsanto.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony

Entertainment JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!