Opisyal patay matapos pagbabarilin sa Bataan

Patay ang isang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Mariveles, Bataan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jonathan dela Cruz, 35, department manager ng Management Information System (MIS) ng lokal na pamahalaan ng Mariveles,

Ayon sa mga testigo, kakababa pa lamang ng biktima sa kanyang sasakyan ganap na alas-6 ng gabi at papasok na sana sa gate ng kanyang apartment sa Polaris Subdivision sa Barangay Mt. View, Mariveles nang harangin siya ng mga salarin at agad na pinagbabaril.

Nagawa pang makatakbo ni dela Cruz sa loob ng kanyang apartment, bagamat hinabol at binaril pa ng dalawang beses ng mga suspek.

Idinagdag ng mga testigo na sakay ang dalawang suspek ng isang motorsiklo, bagamat isang kahina-hinalang van ang naghihintay malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Kinondena naman ni Mariveles Mayor Jocelyn Castaneda ang pagpatay sa kanyang opisyal, sa pagsasabing bahagi ng adbokasiya ni dela Cruz ang mabuting pamamahala at pagtulong sa mahihirap.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

MSD starts enrollment for Phase 3 clinical trial of molnupiravir

MSD in the Philippines (tradename of Merck & Co., Inc., Kenilworth, N.J., USA (NYSE: MRK) …

error: Content is protected !!