P3.4M shabu nakumpiska sa Angeles City

ANGELES CITY, PAMPANGA – Nakumpiska ang tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu matapos ang isinagawang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kahabaan ng McArthur Highway, Barangay Balibago, Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni PDEA-Region 3 Director Christian Frivaldo na naaresto rin ang suspek na si Jayson Crisostomo, 27, residente ng Navotas City.

Idinagdag ni Frivaldo na kilalang big time drug pusher si Crisostomo.

Ayon pa kay Frivaldo, nagsasagawa si Crisostomo ng operasyon sa Angeles City, Mabalacat City, iba pang mga bayan sa Pampanga at Tarlac.

Nakumpiska mula kay Crisostomo ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon, isang cellphone at P1,000 cash.

Nahaharap si Crisostomo sa paglabag sa section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Dangerous Drugs Act of 2002.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Zamboanga City reports 89% Covid-19 recovery rate

Zamboanga City Hall ZAMBOANGA CITY – This city has registered a recovery rate from coronavirus …

error: Content is protected !!