P3.4M shabu nakumpiska sa Pampanga

Aabot sa P3.4 milyong shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) matapos ang isinagawang buy-bust sa Barangay San Jose, San Fernando City, Pampanga, Martes ng hapon.

Sinabi ni Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PB Gen Valeriano De Leon na arestado rin sa isinagawang operasyon sina Crispin San Pedro,28, ng Brgy. Talang, Candaba, Pampanga; Roldan Escajilla, 23, at Jover Quijano, 28, kapwa residente ng 17th st., Port Area, Tondo, Maynila.

Nakumpiska ng mga otoridad ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Palace vows more funding for gov’t nurses back wages

PNA file photo MANILA – The national government will look for sources of funding for …

error: Content is protected !!