Pag-alis ng mga OFWs patungong Jordan sinuspinde dahil sa COVID-19

Inihayag ngayong Linggo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na pansamantalang itinigil ang beripikasyon ng mga dokumento ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Hashemite Kingdom Jordan dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa naturang bansa.

Ipinalabas ng POEA ang Advisory No. 163, Series of 2020, kung saan hindi muna ipoproseso ang mga dokumento ng mga bagong tanggap na OFWs sa naturang bansa dahil sa kinakaharap na matinding problema ng COVID-19.

“Following the recommendation of Philippine Ambassador to Jordan, His Excellency Akmad Atlah Sakkam on the current pandemic situation in Jordan which poses health, safety and labor risks to new workers to be deployed to the Kingdom, the verification of employment documents of new hires by the Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Amman, Jordan will temporarily be suspended until further notice,” sabi ng POEA sa isang advisory.

Idinagdag ni POEA na hindi naman sakop ng pansamantalang suspensyon ang OFWs na direktang kinuha ng mga employers mula sa mga miyembro ng Royale Hashemite Court, international organization at diplomatic corps, kasama ang matataas na opisyal ng gobyerno na may ranggong minister.

Hindi rin kasama sa pansamantalang suspensyon ang mga kontrata ng OFWs na binirepika ng POLO-Jordan at isinumite sa POEA para sa pag-iisyu ng overseas employment certificate bago ang 15 Marso 2020.

Base sa pinakahuling datos mula sa Jordan, umabot na ang kaso ng kanilang COVID-19 sa 257,275, kung saan 213,344 ang nakarekober at 3,335 ang nasawi.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Ilocos farmer-groups urged to adopt solar-fertigation

PRE-SONA UPDATE. National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. (left) gives an update on the Regional …

error: Content is protected !!