PANOORIN: ‘ASAP’ divas nakatambal ang British band na Clean Bandit

Nakasama ng ilang Kapamilya diva sa ‘ASAP Natin ‘To’ nitong Enero 3, 2021 ang British electronic music group na Clean Bandit. Screengrab

MAYNILA — Nakatambal ng ilang Kapamilya singer ngayong Linggo sa “ASAP Natin ‘To” ang Grammy award-winning group na Clean Bandit.

Tampok sa “ASAP” stage sina Angeline Quinto, Jona Viray, Klarisse de Guzman, at Kyla habang virtual naman ang pag-perform ng British electronic music group.

Watch more in iWantTFC

Kinanta nila ang Clean Bandit songs na “Rather Be,” na inilabas noong 2014, at “Tick Tock,” na ni-release noong Agosto ng nakaraang taon.

Ilan pa sa mga kilalang kanta ng Clean Bandit ang “Rokcabye” kasama ang English singer na si Anne-Marie at “Symphony” kasama ang Swedish singer na si Zara Larsson.

Watch more in iWantTFC

Noong 2015, nasungkit ng grupo ang Grammy Award for Best Dance Recording.

Ipinalabas ang January 3 episode ng “ASAP Natin ‘To” sa A2Z Channnel 11 sa pamamagitan ng analog broadcast sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan. Napapanood din ito sa cable at satellite TV provider gaya ng Sky Cable.

Bukod sa A2Z, mapapanood din ang “ASAP” sa Kapamilya Channel (Sky Cable Channel 8 on SD and Channel 167 on HD, Cable Link Channel 8, G-Sat Direct TV Channel 22, and PCTA member cable operators).

Puwede ring mapanood ang Sunday noontime concert show sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Credit belongs to : www.abs-cbn.com

Check Also

KathNiel fans in Indonesia adopt 119 turtles, plant 266 trees for couple

MANILA, Philippines — Fans of Kapamilya on- and off-screen partner Kathryn Bernardo and Daniel Padilla …

error: Content is protected !!