PANOORIN: Lyric video ng ‘Di Kawalan’ ni Maymay Entrata, inilabas na

Mula sa Instagram ni Maymay Entrata

Inilabas na nitong Biyernes ang opisyal na lyric video ng bagong awitin ng aktres na si Maymay Entrata na pinamagatang “Di Kawalan.”

Sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music, pumalo na sa higit 50,000 views ang lyric video simula nang i-upload ito madaling araw ng Mayo 21.

Umakyat pa sa number 2 sa trending list ng Twitter ang #DiKawalanByMaymay habang nasa ikatlong pwesto naman ang “DI KAWALAN OUT NOW” sa listahan ng pinag-usapan sa social media.

Tila isang paalala ang awitin para sa mga tao na huwag ng pumayag masaktan, malamangan at umiyak muli dahil sa isang lalaki.

“Pakita mo sa kanila na kaya mo ‘to / Pagkat ‘di lang naman siya ang lalaki sa mundo / Kung ‘di niya talaga makita'ng kagandahan mo / Ay ‘di naman siya talagang kawalan sa’yo,” saad sa isang bahagi ng awitin.

Matatandaang taong 2017 noong unang naglabas si Maymay ng album sa ilalim ng Star Music kung saan tampok ang mga nilikha niyang awitin na "Baliw" at "Titig ng Pag-Ibig" tampok ang kanyang love team partner at dati ring "PBB" housemate na si Edward Barber.

Noong nakaraang taon, inilabas ni Maymay ang awitin niyang "I Love You 2" na ay alay niya sa ABS-CBN kung saan nagsimula ang kanyang karera.

Nito lamang Pebrero, muling pumirma ng kontra si Maymay bilang artista ng Kapamilya network.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Albie Casiño claims losing millions due to paternity issue with Andi Eigenmann

Entertainment Albie Casiño claims losing millions due to paternity issue with Andi Eigenmann MANILA, Philippines …

error: Content is protected !!