PANOORIN: Vice Ganda, may madamdaming usapan kasama ang ina

MAYNILA — Naging masaya at puno ng pagmamahal ang naging pag-uusap nina Vice Ganda at kanyang ina na si Rosario Viceral sa pinakabagong vlog ng komedyante.

Ilang personal na mga bagay ang itinanong ni Vice sa kanyang ina habang ipinagluluto siya nito ng spaghetti.

Ayon kay Mrs. Viceral, pangarap niya noon na maging abogado ang anak.

"Ang dream ko sa 'yo noon kasi nakikita ko, magaling ka magbasa, magaling ka sumagot, kaya sabi ko magiging abogado ang aking anak o kaya inhenyero. Hindi ko napi-predict ang ano (ang mangyayari sa mga) anak ko kasi paiba-iba sila ng gusto," pagbabahagi ng ina ni Vice.

Nang tanungin ni Vice ang ina kung kailan at naramdaman ba nito na isa siyang bading, sagot ni Mrs. Viceral: "Ako noong ano, nararamdaman ko na. Pero hindi ako makibo kasi ayaw ng tatay mo. Kasi 'di ba nauna si Manuel, galit siya."

"Galit si Tatay, ayaw ni Tatay na maging bakla ang mga anak niya," hirit ni Vice.

"Oo. Dahil ikaw daw ang magiging tunay na lalaki. Kaya 'di ako kumikibo. Tinitingnan lang kita, paglaki mo. Sa loob ko 'hindi naman siguro, dalawa na sila,'" hirit ng ina ng "It's Showtime" host.

Nang tanungin ni Vice ang ina kung nalungkot ba ito dahil bading ang kanyang mga anak na lalaki, sagot ni Mrs. Viceral: "Hindi ako nalungkot. Kasi ako naman, kung ano ang kapalaran na ibigay sa mga anak ko, tanggap ko kahit na ano. Ganoon ako ka-open. Hindi kapares ng tatay mo na may pamantayan siya."

Ayon kay Mrs. Viceral, hindi niya kasama noon ang komedyante ng magdesisyon itong mag-out. Matatandaang dating nagtrabaho sa Amerika si Mrs. Viceral at matagal nalayo sa kanyang mga anak. Giit ng ina ni Ganda, proud siya sa anak.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony

Entertainment JC de Vera, Rikkah Cruz tie knot anew in church ceremony MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!