Pinay beauty kinarir ‘how to eat Thai food in 2 minutes’

Bonggang-bonggang nakapasok at isa sa mga nangunguna ang Filipina beauty na si Samantha Mae Bernardo sa ongoing Miss Grand International 2020 na ginaganap kasalukuyan sa Thailand.

Isa si Bernardo sa mga hot picks lalo pa’t nakapasok siya sa Top 20 ng kakaibang challenge na pinagawa sa mga kandidata. At ito nga ay ang “how to eat Thai food in two minutes”.

Base sa challenge, pipili ang bawat kandidata ng isang Thai cuisine gaya ng Pad Thai at Thai papaya salad with chicken BBQ with sticky rice na dapat nilang kainin sa loob lamang ng dalawang minuto. Ang kanilang mga video na pinost sa YouTube ay kailangang i-share at i-like para mapasama sa top 20.

At isa na nga si Bernardo sa nangunguna sa botohan kasama ang pambato ng Indonesia, Thailand, Mexico, Ecuador at iba pa.

Ang aktibidad ng nasabing pageant ay parte ng 14-day quarantine ng mga kandidata sa lob ng hotel bago magsimula ang pre-pageant sa Marso 15 at coronation night sa Marso 27.

Lubos naman ang pasasalamat ng kandidita sa kanyang mga Pilipinong tagasuporta at pursigidong maiuwi ang kauna-unahang Miss Grand International golden crown para sa Pilipinas, matatandaan na siya ang inappoint ng Binibining Pilipinas para kumatawan sa bansa.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

1 dead, P13.6M more shabu seized in Sulu sting

A drug suspect was killed, six more were arrested and another P13.6 million worth of …

error: Content is protected !!