PNP nakabantay sa ilegal na bentahan ng Ivermectin

Ngayon na wala pa talagang permiso na ibinibigay ang Food and Drug Administration para sa paggamit ng anti-parasitic medicine na Ivermectin, nakatutok ang pulisya sa diumano’y ilegal at patagong bentahan ng kontrobersyal na gamot.

Sa panayam kay Major General Albert Ignatius Ferro sa radyo, hepe ng PNP Criminal and Investigation and Detection Group, binabantayan nila ang bentahan ng unlicensed na Ivermectin na siyang ginagamit diumano pangontra sa coronavirus disease.

“Doon po kami sa mga fake, sale ng unlicensed, unregistered at no permit ang ating tututukan para yung source ay hindi na makapunta sa mga tao na (para makapagbenta),” ayon kay Ferro sa dzBB.

Inatasan na anya ang iba’t ibang ahensiya ng pulisya na magsagawa ng pagbabantay laban sa mga nagbebentang Ivermectin.

Naghihintay na lang din anya ang PNP sa magiging bagong advise ng FDA sakaling aprubahan na nito ang pag-administer ng Ivermectin hindi lang para sa compassionate use.

“Ang CIDG at sa pakikipag-ugnayan sa FDA, ay naatasan na magsagawa ng angkop an aksyon sa nasabing paglipana ng pekeng Ivermectin sa merkado sa pamamagitan ng ating pagbabantay,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay pinayagan ng FDA ang compassionate use ng Ivermectin habang patuloy ang isinasagawang pag-aaral kung papayagan nga ba ito nang tuluyan para gamiting panggamot sa coronavirus disease.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

LGUs directed: Implement typhoon preparedness measures as rainy season starts

MANILA, Philippines — With the country easing into the rainy season, the Department of the …

error: Content is protected !!