Pulis patay sa aksidente sa CDO

Patay ang isang pulis matapos na bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang kotse at pagkatapos ay sumalpok sa isang dump truck sa kahabaan ng C.M. Recto highway sa barangay Puerto sa Cagayan de Oro City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Police Sergeant Emerson Limbaga Nasero, na nakatalaga sa Misamis Oriental provincial police command.

Patungo sana si Nazaro sa Camp Alagar nang mangyari ang aksidente, ganap na ala-1 ng hapon.

Ayon sa ulat, binabagtas ng pulis ang highway nang tangkain niyang mag-over take sa dump truck, dahilan para bumangga siya sa isang kotse na nagtangka ring lampasan ang trak.

Dead on the spot si Nazaro dahil sa tindi ng pagbangga ng motorsiklo sa dump truck.

Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Creation of SoCot 3rd district gains headway

Deputy Speaker and South Cotabato second district Rep. Ferdinand Hernandez (Photo grab from Rep. Hernandez’s …

error: Content is protected !!