Regine nagpahaging sa gobyerno: Bakit parang pinabayaan na lang tayo?

May tila pasaring ang tweet ng singer-actress na si Regine Velasquez na pinakawalan the other day tungkol sa pag-address ng gobyerno sa patuloy na paglala ng bilang ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

“Bakit parang pinabayan na lang tayo? Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga? People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening?” tweet ng Asia’s songbird.

Umabot na sa 7,312 like ang nasabing tweet ni Regine habang may 1,282 retweets ito.

Hindi naman pinatawad ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tweet ng misis ni Ogie Alcasid, habang ang iba naman ay nagtanggol kay Regine sa ginawa nitong obserbasyon.

Marami sa kanila ang nagtanggol sa administrasyong Duterte at nanawagan na huwag isisi ang nangyayaring pandemya sa pamahalaan.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

US ‘very pleased’ with Duterte’s move to hold off VFA abrogation: envoy

Washington was “very pleased” with President Rodrigo Duterte’s decision to hold off for the third …

error: Content is protected !!