Resto ng barangay chairman, pinagbabato sa Bulacan

broken glass

Nabasag ang mga salamin sa restaurant na pagmamay-ari ng isang barangay chairman sa San Jose Del Monte City sa Bulacan matapos itong pagbabatuhin ng mga hindi nakilalang lalaki nitong Biyernes ng gabi, Abril 16.

Nagkalat ang mga bubog ng basag na salamin sa harap ng restaurant ni Mar Gatchallan, chairman ng Barangay Muzon.

Tanod ni Gatchallan ang matatandaang nag-viral sa social media kamakailan dahil sa pagharang sa isang delivery rider na maghahatid sana ng lugaw sa kanyang customer sa Brgy. Muzon.

Isang van na may sakay na mga hindi nakilalang lalaki na armado umano ng mga baril ang huminto sa harapan ng restaurant, pinagpupukol daw ng mga ito ng bato ang establisimyento at kaagad ding umalis.

Walang napaulat na nasaktan sa insidente, ngunit ayon sa report, takot daw ang nararamdaman ngayon ni Gatchallan dahil ang kanyang pamilya ang nagma-manage sa nasabing restaurant.

Walang maisip si Gatchallan na iba pang motibo sa pamamato sa kanyang restaurant pero naniniwala siyang posibleng konektado sa pulitika ang insidente.

Duda naman si Gatchallan na may koneksiyon ang pamamato sa kanyang restaurant sa viral video ng panghaharang ng isa sa kanyang mga tanod sa delivery ng lugaw.

Isinara muna ang restaurant habang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. (Ma. Lonila V. Agaton, intern)

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Record-breaking sumo champ Hakuho to retire: reports

Sumo’s greatest-ever champion Hakuho has decided to retire over persistent knee trouble, Japanese media reported …

error: Content is protected !!