Sen. Imee Marcos’ response at ‘Singkuwenta, Sangkuwento’ martial law round table

Sen. Imee Marcos, eldest daughter of the late President Ferdinand Marcos Sr.

Bilang panganay na anak ni Pangulong Ferdinand Marcos, ate ng presidente ngayon na si Presidente Bongbong, meron po ako są aking puso na nagnanais makawal. Mula sa matagal na panahon, tulad ng aming pangalan, Marcos — matagal ng pilit sinisira ng salitang Martial Law na para bang walang mabuti o may katuturan na nagawa para sa Pilipinas.

Ang aking mga narinig sa hapong ito at naunawaan ay para bang ginawa tayong saksi, testigo sa katotohanang tinakpan ng ambisyon at malisyosong pamumulitika.

Gayunpaman, hindi na ito ang panahon para muling ungkatin ang nakaraan ng ating bansa.

Ang ating bansa ay ang ating mamamayan, at dahil ang boses ng mamamayan ay tinig ng Panginoon, ang pagkaluklok sa aking kapatid ay ang pinakamalinaw na hatol ng bayan na ang Martial Law na tanging binabato sa pamumuno ng aking ama ay hindi alintana ng mga Pilipino.

Ang gusto ng bayang ito ay kaunlaran na makakamit lamang kung kapayapaan. At inyong nais ng bawat lingkod bayan na nasa inyong harapan.

Sino ako para posasasan ang mga nagkamali? Gayong ako at ang aking pamilya ay hindi naman perpekto? Sino ako kundi isa ring Pilipino laging nangagarap ng katiwasayan, pagkakabuo at paghahawak kamay, mga kamay na humahawak sa dibdib tuwing nagpupugay sa ating watawat, sumasaludo sa kagitingan at nakikipag kamay sa kapwa Pilipino.

At ngayon, imbes posas at porselas, tanda ng pagtanggap at pakikinig sa saloobin ng ating mga nagbabalik loob, isang pangako ng panganay ni Apo Lakay na hindi kayo ni minsan tinuring na kaaway.

Handog nito ang mga proyekto at pagtutulong sa pagsasaka, paghahanap buhay, pagsasanay at munting kapital upang mapagumpisa muli. Priyoridad sa kalusugan, sa mga tumatanda na, mga nangaliwa.

At tulad ng sinabi at ginawa ng aking ama, simulan na rin natin ang usapin ng pagpapatawad ng pamahalaan. Ngayon na ang panahon na umpisahan ang total amnesty, ng kaliwa man at pati na rin ng kanang hanay ng mga nag coup de tat at iba pa. Pagkat ang pagpapatawad ang paguumpisa ng pagkakaisa, unawaan natin ang isa't isa pagka't sa huno't dulo, ang bawat isa sa atin ay Pilipino at Pilipino lamang.

Kaya't magbibigay ako ng bracelet, hindi posas. Mula kay manang Imee ay tanda ng pagiging ate ko sa inyo, sa inyong pamilya.

*****
Credit belongs to : www.manilatimes.net

Check Also

Taron Egerton slots Tetris story into place in new biopic

Nikita Efremov and Taron Egerton in a scene from ‘Tetris.’ PHOTO COURTESY OF APPLE TV …