#StopAsianHate: Lea Salonga kinondena ang anti-Asian violence sa Amerika

Kuha mula sa Instagram at Twitter ni Lea Salonga

Mariing kinondena ni Broadway star Lea Salonga ang mga pag-atake sa mga Asyano sa Amerika kasunod ng panibago na naman pananakit sa isang senior na Asian-American sa New York City.

Sa kaniyang Twitter account, ibinahagi ni Salonga ang surveillance footage kung saan kitang-kita kung paano sinaktan ng isang lalaki ang 65-anyos na Asian-American habang papunta sa simbahan.

Ayon sa tanyag na mang-aawit, nangyari ang pananakit malapit lamang sa Broadway theaters. Aniya, madalas din umanong maglakad ng mag-isa ang kaniyang ina sa lugar tuwing pupunta sa simbahan sa pag-aakalang ligtas ang siyudad sa karahasan.

Meanwhile… this is still happening. And this is a stone’s throw away from Broadway theaters. My mom would walk to church on her own, feeling totally safe in this city, and I never had to worry about her. I guess those days are over. https://t.co/Z9t4lvk6tw

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) March 30, 2021

“Meanwhile… this is still happening. And this is a stone’s throw away from Broadway theaters. My mom would walk to church on her own, feeling totally safe in this city, and I never had to worry about her. I guess those days are over. #StopAsianHate #StopAAPIHate,” ani Salonga.

Inilabas din ng singer sa kaniyang Twitter account ang larawan ng lalaki na umano’y nanipa nang makailang ulit sa babae base sa video.

“This is the suspect. I hope he’s caught and brought to justice,” dagdag ni Salonga.

This is the suspect. I hope he’s caught and brought to justice. #StopAsianHate#StopAAPIHatehttps://t.co/JIfzx2qkYd

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) March 30, 2021

Ayon sa ulat ni CeFaan Kim ng ABC7NY, nasa ospital pa rin ang biktima na iniinda ang pamamaga ng mukha at pananakit ng kaliwang binti. Patuloy namang iniimbestigahan ng New York Police District ang insidente.

Ibinahagi rin nito ang pahayag na inilabas ng sikat na K-pop group na BTS sa kanilang social media account.

Perfectly and thoughtfully worded, as always. #StopAsianHate#StopAAPIHatehttps://t.co/6BLnKrREA5

— Lea Salonga (@MsLeaSalonga) March 30, 2021

“Perfectly and thoughtfully worded, as always,” ani Salonga.

RELATED VIDEO:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

Kim Atienza reacts to Marco Gallo’s advice for ex-love team partner Kisses Delavin

Entertainment Kim Atienza reacts to Marco Gallo’s advice for ex-love team partner Kisses Delavin MANILA, …

error: Content is protected !!