TINGNAN: ‘ASAP Champions’ muling nagsama-sama kahit online lamang

Mula sa website ng Star Cinema at Instagram ni Erik Santos

Hindi napigil ng pandemya ang muling pagsasama-sama ng mga tinitingalang mang-aawit ng Pilipinas na sina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Erik Santos, Mark Bautista at Christian Bautista matapos ang kanilang online reunion.

Sa Instagram, ibinahagi ni Bautista ang reunion ng original na “ASAP Champions” nitong Hunyo 22 kung saan nakasama rin ng limang singers si Matteo Guidicelli na asawa ni Geronimo at anak ni Go na si Lukas Judah.

Mula sa website ng Star Cinema

“Friends. Family,” maikling caption ni Bautista sa kaniyang Instagram story.

Ni-repost naman ito ni Go na nagbiro pa na, sa wakas, ay nakita na rin ng kaniyang bagong silang na anak ang kaniyang mga “tito at tita.”

“Lukas met his titos and titas,” ani Rachelle Ann.

Nagkaroon na rin ng virtual reunion ang mga ito noong Nobyembre 2020.

Huling nagkita-kita sa personal ang mga singer ng umuwi sa Pilipinas si Go para sa isang concert noong January 2020. Nakabase na ngayon sa United Kingdom si Rachelle kasama ang asawang si Martin Spies at kaniyang anak.

Unang nabuo ang “ASAP Champions” noong 2004.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : news.abs-cbn.com/

Check Also

Yam Concepcion ties knot with businessman boyfriend

MANILA, Philippines — Kapamilya actress Yam Concepcion tied the knot with businessman Miguel Cuunjieng in …

error: Content is protected !!