Trailer ng ‘MMK’ episode na ‘2 Love You Mom’, pumalo na sa higit 2 milyong views

Trailer ng 'MMK' episode na ‘2 Love You Mom’, pumalo na sa higit 2 milyong views 1
Tunghayan ang kwento ng pagmamahal ng dalawang ina sa anak sa “2 Love You Mom”. ABS-CBN


Isang araw lamang matapos ilabas, pumalo na sa dalawang milyong views sa Facebook ang trailer ng bagong episode ng “Maalaala Mo Kaya” na “2 Love You Mom” na pagbibidahan ng mga beteranang aktres na sina Iza Calzado at Shamaine Buencamino kasama si Heaven Peralejo.

Sa Facebook page ng drama anthology, inilabas ang pasilip sa bagong kuwento na iikot sa buhay ng karakter ni Peralejo na ang ina (Calzado) ay magkakaroon ng kapansanan sa pag-iisip.

Base sa trailer, tutulungan si Peralejo na makabangon mula sa kaniyang dagok sa buhay ng isang guro na gagampanan ni Buencamino. Magsisilbing dalawa ang ina nito sa istorya.

Marami ang naiyak at naka-relate sa kuwento na ayon sa ibang netizen ay naranasan din ng kanilang pamilya noon.

“I can’t wait to watch this. Na-relate ko lang sa buhay ko kasi nagkaganyan din ang mama ko pero hindi ako nawalan nag pag-asa mahal na mahal ko talaga ang nanay ko,” ayon sa isang netizen.

Marami rin ang excited na muling makita umarte sina Peralejo na huling napanood sa seryeng “Bagong Umaga” at Calzado na isa sa mga bida sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Matutunghayan ang kwento ng pagmamahal ng dalawang ina sa anak ngayong Sabado, 8:30 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC at A2Z Channel 11.

*****
Credit belongs to : news.abs-cbn.com/

Check Also

LIST: Emmy Awards 2021 winners in key categories

Entertainment LIST: Emmy Awards 2021 winners in key categories LOS ANGELES — Here is a …

error: Content is protected !!