Twitter account ni Julia Barretto, na-hack

Mula sa Instagram ni Julia Barretto


Ibinahagi ng aktres na si Julia Barretto sa kaniyang Instagram page na na-hack ang kaniyang personal na Twitter account.

Naging matipid ang saad ni Barretto sa kaniyang IG story kung saan sinabi lang ng aktres na “my twitter has been hacked.” Hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye.

"Julia Twitter": Screenshot mula sa Instagram story ni Julia Barretto.

Ayon sa ilang netizen, napalitan na ang username ng aktres na @BarrettoJulia sa @zickingq kung saan wala na itong pina-follow na account habang nananatili ang halos 2 milyong followers nito.

Isang fan page naman na ang gumamit ng dating Twitter handler ni Barretto dahil sa pagkaka-hack nito.

"Julia Twitter changed": Screenshot mula sa Twitter]

Muling naging matunog ang pangalan ni Julia sa social media lalo na sa Twitter nang maungkat ng ilang netizen ang mga lumang video ng aktres na kumakain ng Pinoy street food na isaw.

Kontra ito sa naging pahayag ng aktres sa vlog ng kaniyang nobyo na si Gerald Anderson na unang beses pa lamang niya makakakain ng isaw.

Kabilang sa mga lumabas ay ang pagkain nito kasama ang dating onscreen partner na si Ronnie Alonte at isang episode sa “Gandang Gabi Vice” kasama si Enrique Gil kung saan pinatikim silang dalawa ni Vice Ganda ng isaw.

Related videos:

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

*****
Credit belongs to : www.cbc.ca

Check Also

‘Makialam at makibahagi’: Robi Domingo gives advice to youth voters

Entertainment ‘Makialam at makibahagi’: Robi Domingo gives advice to youth voters MANILA, Philippines — Kapamilya …

error: Content is protected !!