Wanted sa murder nahuli makalipas ang 24 taon

Naaresto ng pulisya ang isang wanted dahil sa murder matapos ang 24 taong pagtatago sa batas.

Kinilala ang suspek na si Edwin Hermentisa na nahuli ng mga miyembro ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG ganap na alas-5:45 ng gabi noong 1 Abril sa Sitio Naga, Brgy Tinag-an, Albuera, Leyte.

Hinuli si Hermentisa sa bisa ng warrant na ipinalabas ni Burauen, Leyte Regional Trial Court (RTC) branch 15 Presiding Judge Pepe O. Domael noon pang 19 Hunyo 2001.

Ayon sa ulat, 22 Enero 1998 nang patayin ni Hermentisa at dalawa pang kasabwat ang biktima na si Cipriano Fernandez.

Nakakulong si Hermentisa sa Albuera Municipal Police Station.

*****
Credit belongs to : www.tribune.net.ph

Check Also

Groups hail ‘strong’ moves for climate action at UN general assembly

Headlines Groups hail ‘strong’ moves for climate action at UN general assembly MANILA, Philippines — …

error: Content is protected !!