MANILA, Philippines – Si Frenchie Mae Cumpio na taga-Visayas ang tanging journalist na nakakulong sa Pilipinas.
Kalahating dekada na siyang nakakulong matapos siyang arestuhin noong 2020, sa gitna ng crackdown ni former president Rodrigo Duterte sa mga progressive groups.
Sa independent investigation ng international group na Reporters Without Borders or RSF, nalaman ng grupo na maraming red flags at inconsistencies surrounding itong kaso at pagkaka-aresto ni Frenchie.
Kaya nakapagtataka raw na nakakulong pa rin hanggang ngayon ang journalist.
Pahiram ng ilang minuto at pag-usapan natin ito in detail.
Quick context lang tayo.
Sa gitna ng pag-aresto at pagpatay sa ilang mga journalist, mga abogado, mga progresibong grupo at aktibist ay inaresto itong si Frenchie Mae Cumpio kasama ang mga human rights workers na sina Mariel Domequil at Alexander Abinguna noong February 2020.
Pinagbintangan sila Frenchie ng illegal possession of firearms, non-bailable ito, pero sinabi nila Frenchie na itinanim lang naman ‘yong baril laban sa kanila. Classic case itong illegal possession of firearms na isinasampa laban sa mga aktibistang pinagbibintangang miyembro ng New People’s Army.
Tapos, habang nakakulong ay sinampahan din ng terrorism financing si Frenchie kaya naman dalawa na ang kaso niya.
Ngayon balik tayo do’n sa findings ng RSF.
Sa larawang kuha ng mga pulis matapos maaresto sina Frenchie, kita do’n ‘yong flag ng Communist Party of the Philippines, ‘yong .45-caliber na pistol, tapos may fragmentation grenade din. Kita ito sa mismong kama ni Frenchie.
Pero take note, alas-dos ‘yan ng madaling araw.
At sabi ng RSF ay hindi ba masyadong dubious na nasa itabaw talaga ng kama itong mga paraphernalia na ito? Sabi nga na isang journalist na ininterview ng RSF ay even daw ‘yong mga guerilla fighters ay hindi naman natutulog kasama ‘yung baril nila at granada.
To add to that, sabi nga ni Frenchie na naalala niyang sumigaw pa siya noong nakita niya ‘yong granada at baril sa ibabaw ng kama niya.
Eh kung sa kanya ‘yon, eh bakit naman nga siya sisigaw? To add to that, si Abinguna na kasama ni Frenchie na naaresto ay nag-request pa nga sa Commission of Human Rights na magsagawa ng onsite inspection to confirm na walang illegal items sa kanilang opisina.
Two days lang yan before nang-arrest nila.
Red flag din daw ‘yong dalawang witnesses sa kaso nina Frenchie. Dalawang babae ito na supposedly dating rebelde pero sabi ng RSF ay inconsistent ‘yong mga testimonya nila.
For example, itong isang witness na pinangalanang Marjie R. ay kine-claim na nagbigay daw siya ng pera at ammunition kay Frenchie noong 2019. Supposedly may NPA pa raw na saksi doon.
Pero walang ebidensya to prove this. Ni picture or supporting evidence.
Sa isang testimony ni Marjie R. ay sinasabi niya na 2016 pa lang kilala niya na si Frenchie. Pero sabi ng RSF ay sa isang testimony ni Marjie R., sinasabi niya na 2008 sila unang nagkakilala. Bukod sa inconsistent ‘yong testimony na ito, noong 2008 ay nine years old pa lang si Frenchie.
‘Yong isa pang witness na pinangalanang Alma G. ay kine-claim niya na nakita niya raw si Frenchie noong 2016 na napalibutan ng mga armadong lalaki. But then again, walang ebidensya or supporting evidence to prove this.
Pero hindi lang diyan natatapos ang mga red flag.
Itong si Alma G. pala ay may 17 na kaso dati. Pero itong gobyerno drinop na lahat ng kaso na ‘yon at ngayon, itong si Alma G. ay active witness na sa mga cases against human rights defenders.
Tapos itong si Margie R. naman ay sinasabi na under military protection. May pagdududa ‘yung RSF at ilang grupo na allegedly daw, military ‘yong nasa likod ng persecution ni na Frenchie at mga kasama niya.
Sa ngayon, nakapiit si na Frenchie habang ongoing ang kanilang kaso.
We talk about Frenchie’s case dahil napakahalaga po ng trabaho ng journalist sa ating society.
Na-call out pa nga ang Pilipinas sa 2023 prison status ng Committee to Protect Journalists dahil sa patuloy na pagkakakulong ni Frenchie. Checks and balances ang role ng media, kaya naman trabaho ng media na kapag may mali ay i-call out ‘yan.
Kaya no journalist should be jailed for speaking the truth.
Kung interested po kayo to talk about the case of Frenchie Mae Cumpio, you may download the Rappler Communities app and join the justice and crime channel. – Rappler.com
Reporter, writer, video editor: Jairo Bolledo
Supervising editor: Lian Buan
*****
Credit belongs to : www.rappler.com
MaharlikaNews | Canada’s Leading Online Filipino Newspaper – No. 1 Information Hub for Filipino-Canadians with 250K Visitors in 2020 MaharlikaNews is Canada’s premier online Filipino newspaper, delivering the latest news, stories, and updates for Filipino-Canadians. Stay informed and engaged.